Linggo, Hulyo 8, 2012

ANG TUNAY NA IGLESYA NI CRISTO

Ang Tunay na Iglesyang itinatag ni Jesus sa pamamahala ni San Pedro.  isinulat sa Mateo 5:14 " ang lungsod na nakatayo sa taluktok ng bundok na hindi maitatago"

 1 Pedro 2:4-6 "Ang Batong Buhay at ang Mga Batong Buhay"
Lumapit kayo sa kaniya na siyang batong buhay na itinakwil ng mga tao. Ngunit sa Diyos siya ay hirang at mahalaga. Kayo rin ay katulad ng mga batong buhay. Itinatatag kayo ng Diyos na isang bahay na espirituwal. Kayo ay mga saserdoteng banal, kaya maghandog kayo ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Ganito ang sinasabi ng kasulatan: Narito, itinatayo ko sa Zion ang isang pangunahing batong panulok, hinirang at mahalaga. Ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi
mapapahiya. 
Itatayo ko sa ZION; ang Zion ay ang ISRAEL sapagkat diyan sa lugar na yan Isinilang ang diyos na nagkatawang tao na si JESU-CRISTO.
itinayo ang unang Simbahang Katoliko sa JERUSALEM na makikita ngayon sa TURKEY ang "HAGIAH SOPHIA".  ang kapamahalaan ng iglesya sa Jerusalem ay ipinagkatiwala kay St. ANDREW isang din Apostoles.
Ang iglesya sa ROMA ay ipinagkatiwala kay St. PETER "ROCK" siya ang inatasan ng Panginoong Jesus, ang pinakamahirap na misyon sa Roma.
GAWA 23:11
At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka’t kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa JERUSALEM, ay kailangang PATOTOHANAN MO RIN GAYON SA ROMA.

JUAN 21:15

15 Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?
Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa.

16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba sa akin?
Nagdalamhati si Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: May paggiliw ka ba sa akin? Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo na may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa.

Ang pagiging Pinakamataas na katungkulan ni San Pedro ay inihula sa:
ISAIAS 22:21-22  " At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.
At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas."

at ang katuparan ay napangyari sa:
Mateo 16:18-1918  At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

at sa mga talata ng Bibliya na nagpapatunay na ang Iglesya ay pinatatag ng mga Apostoles:
 I Corinto 12:28-
 At ang dios ay naglagay ng ilan sa Iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala at ibat ibang mga wika.

Mateo 28:16-2016 Ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, sinamba nila siya. Ngunit ang iba sa kanila ay nag-alinlangan. 18 At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng kapamahalaan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. 19 Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

Mga Taga-Efeso 2:20-22
20 Kayo ay naitayo sa saligan ng mga apostol at mga propeta. Si Jesucristo ang siya mismong batong-panulok. 21 Sa kaniya ang lahat ng bahagi ng gusali na sama-samang pinaghugpong ay lumalago sa isang banal na dako sa Panginoon. 22 Sa kaniya rin kayo ay sama-samang itinayo upang maging tirahan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

 1 Pedro 2:9 -  Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagka-saserdote, isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan.

Mateo 18:20
20 Ito ay sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.


Ano ang kahulugan ng Iglesya? 

Ang salitang iglesya ay mula sa griyegong katagang ekklesia na ang kahulugan ay tinatawag na kapulungan.

Ginagamit natin ang iglesya sa tinutukoy ang maraming bagay: ang pampurok na iglesya, ang nakikitang iglesya, ang pandaigdig na iglesya, kung minsan tinatawag nating iglesya ang dako ng simbahan ngunit sa Bibliya ang ekklesia ay lagging nangangahulugan sa mga tao at hindi kalian man ay gusali.

 

Ang nakikitang Iglesya

Ang lahat ng kristiyanong nabubuhay ngayon ay ang bumubuo ng Iglesya, Pati na ang nagsasabi na sila’y kristiyano. Diyos lamang ang nakakaalam ang tunay na kristiyano at alin ang kaanib lang ng iglesya na di kumikalala sa kanya.

 

 Ang Iglesyang Pandaigdig (Iglesya Katolika)

Ang Iglesyang pandaidig ay binubuo ng lahat ng tunay na nanalig  kay Jesu-Cristo mula noong Pentecostes hangang sa pagparitong muli ni Cristo. Tinatawag din itong hindi nakakitang Iglesya pagka’t ang Diyos ang tanging nakakaalam sa tunay na mananampalataya at dahilan sa marami ng kaanib nito ang tumungo na sa langit.

 

Tatlong (3) kahulugan ng iglesya:

1.      Pampurok na iglesya

2.      Nakikitang iglesya

3.      Pandaigdig na Iglesya

 

Ang Iglesya ay kahalintulad ng:

1.      Isang pamilya

 2.      Isang gusali

3.      Isang katawan

4.      Isang babaeng ikakasal

 

Ang Iglesya ay nakatayo sa matatag na pundasyon ni Jesu-Cristo at ng Kanyang Salita. Iyo’y maluwalhating espirituwal na bahay na siyang pinili ng Diyos na kanyang tahanan. Kaya ito’y tinaawag Niya na isang banal na templo, isang dako ng simbahan. Sa ating pagtitipon upang sambahin ang Diyos, siya’y nakikipagtagpo sa atin at pinagpapala tayo.

Ang Iglesya ay tinatawag na katawan ni Cristo. Ang bawat tunay na kristiyano ay sangkap na katawan ni Cristo. Siya ang ulo ng Iglesya, at mula sa kanya ay  tinanggap natin ang buhay. Ang ulo ang naguutos sa mga sangkap ng katawan ng dapat gawin, ang anuman sinabi ni Cristo sa atin.

 1 Mga Taga-Corinto 3:16-17
16 Hindi ba ninyo alam na kayo ang banal na dako ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo? 17 Ang sinumang wawasak sa banal na dako ng Diyos ay wawasakin din ng Diyos sapagkat ang dakong banal ng Diyos ay banal at kayo ang dakong iyon. 

Ang mga iglesya noong unang Siglo:
 Mga Taga-Roma 16:3-5
Batiin ninyo sina Priscila at Aquila. Sila ay mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus. Inilagay nila sa panganib ang kanilang leeg dahil sa aking buhay. Hindi lang ako ang nagpapasalamat sa kanila kundi ang lahat din ng mga iglesiya ng mga Gentil. 
Batiin din ninyo ang iglesiya na nasa kanilang tahanan. Batiin niyo si Epeneto na aking minamahal. Siya ang unang bunga para kay Cristo sa Acaya.

Mga Taga-Roma 16:23
23 Si Gayo na tumanggap sa akin at sa buong iglesiya ay bumabati sa inyo.
Si Erasto na tagapamahala ng lungsod ay bumabati sa inyo gayundin si Quarto na ating kapatid. 

 Mga Gawa 9:31

31 Sa panahong iyon ay nagkaroon ng kapayapaan ang mga iglesiya sa buong Judea at Galilea at Samaria. Sila ay naging matibay at nagpapatuloy na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Banal na Espiritu at sila ay dumami.

 

Hangang ngayon ay Patuloy ang paglaki ng Iglesyang Itinayo ng Panginoong Jesu-Cristo sapagkat ang mga tagasunod niya ay dumadami ayon sa kanyang bahagi.

Ito ang TUNAY NA IGLESYA NI KRISTO noong unang Siglo at ngayon ay lalong laganap sa buong mundo!


Mateo 28:16-2016 Ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, sinamba nila siya. Ngunit ang iba sa kanila ay nag-alinlangan. 18 At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng kapamahalaan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. 19 Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

Dito po sa talatang ito ang nagpapatunay na wala pong tumalikod sa hanay ng mga Apostoles at mga tagasunod noong unang siglo silay nagpapatuloy hangang ngayon, mula sa hanay ng Panginoong Jesus, kay San Pedro at ibang Apostoles, mga Papa, Obispo, Dyakono, Kaparian at mga minstrong katoliko sila ay patuloy na kadugtong sa Puno ng ubas.....